2 most wanted persons, arestado sa Valenzuela

2 most wanted persons, arestado sa Valenzuela

November 9, 2022 @ 5:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Shoot sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaki na listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya in relation to SAFE NCRPO sa naturang lungsod.

Kinilala ni Valenzuela Police chief Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Jino Gabriel Yu, 18, at residente ng Brgy. Ugong ng lungsod.

Ayon kay Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Robin Santos ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Yu sa JB Juan St. Brgy. Ugong dakong alas-5:35 ng hapon.

Ani PLT Santos, si Yu ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5(B) of R.A. 7610 (3 counts).

Sa Brgy. Gen T De Leon, nalambat naman ng mga tauhan ng Sub-Station 2 at WSS sa joint manhunt operation sa Sitio Kabatuhan Compound 2, dakong alas-10:20 ng umaga ang isa pang most wanted sa lungsod.

Kinilala ni SS2 Commander P/Major Randy Llanderas ang naarestong akusado bilang si Jimmy Melanio, 43 ng Brgy. Gen T De Leon.

Si Melanio inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Orven Kuan Ontalan Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), and Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug) Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). R.A Marquez