2 most wanted persons ng Malabon, nabitag

2 most wanted persons ng Malabon, nabitag

January 22, 2023 @ 10:25 AM 5 days ago


MANILA, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na listed bilang most wanted persons matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na manhunt operation sa Malabon City.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang pinasanib na mga tauhan ng PNP DEG NCR sa pangunguna ni PLT Joel Carpio Roslin at Warrant and Suboena Section (WSS) ng Malabon police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Alfredo Agbuya ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Palcon Roger, 22 sa kanilang bahay sa Dumpsire 6, Brgy. Catmon dakong alas-3:25 ng hapon.

Ang akusado ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 73 para sa paglabag sa Section 11, Art 2 of RA 9165.

Nauna rito, natimbog naman ng mga operatiba ng WSS, kasama ang 4th MFC ng RMFB-NCRPO sa joint manhunt operation ang isang pang most wanted person na si Osilito Conje, 37, delivery helper sa Blk 3, Kadima. Brgy. Tonsuya.

Si Conje ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Malabon City RTC Branch 169 noong August 5, 2022 para sa kaso ng Robbery with Violence Againts Intimidation of persons. Boysan Buenaventura