2 MWP arestado sa Valenzuela, Caloocan

2 MWP arestado sa Valenzuela, Caloocan

December 3, 2022 @ 9:28 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawang most wanted persons ang nasakote sa unang araw ng Disyembre sa mga lungsod ng Valenzuela at Caloocan.

Dinakip si Ronald Alingco y Rarugal alyas Nono, 28, binata, ng 5095 Independence Street, Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City na pinaghahanap dahil sa kasong two counts ng child abuse.

Inisyu ni Hon. Evangeline S. Mendoza-Francisco, Presiding Judge, Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City noong Disyembre 1 ang warrant na ginamit sa pagdakip kay Alingco.

Samantala, dinampot si John Paul Fowler y Contreras, 29, binata, driver, ng 190 Rivera St., Barangay 160, Baesa, Caloocan City dahil sa pag-iingat ng iligal na droga.

Walang inirekomendang pyansa ang Korte para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip.

Inisyu ni Hon. Victoriano Bañez Cabanos, Presiding Judge, RTC Branch 127, Caloocan City noong Nobyembre 25 ang warrant na ginamit sa paghuli kay Fowler. Merly Iral