2 MWP ng Aurora, Malabon arestado

2 MWP ng Aurora, Malabon arestado

January 18, 2023 @ 1:55 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaresto kahapon, Enero 17 ang isang lalaking nasa most wanted list ng lalawigan ng Aurora sa kahabaan ng Encarnacion St., Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela City police chief, Col Salvador S Destura Jr, inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section (WSS) at Maria Aurora Municipal Police Station si Elmerchor Coro, 42.

Si Coro ang sinasabing number 5 most wanted person sa municipal level at number 10 sa provincial level.

Ang pagkakadakip kay Coro ay bunsod ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Enrico Voltaire Rivera ng Baler Regional Trial Court Branch 91 laban sa kanya dahil sa panggagahasa noong Disyembre 28, 2021.

Walang inirekomendang piyansa hinggil sa kaso nito.

Ang naarestong suspek ay ihaharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Samantala arestado din ng pulisya ng Northern Police District ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa isinagawang manhunt operation sa Malabon City, iniulat kahapon, Enero 17.

Ang naarestong akusado ay nakilalang si Geoffrey Bonifacio, 39 ng No. 9 Isagani St., Brgy. Acacia, Malabon City.

Nadakip si Bonifacio matapos makatanggap ng impormasyon ang puilisya ukol sa kinaroroonan nito.

Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, naaresto si Bonifacio sa bahay nito alas-6:30 ng umaga.

Si Bonifacio ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 169, Malabon City noong October 6, 2022 para sa kasong Attempted Murder.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility ng DID-NPD ang akusado. Merly Iral