2 nanay kulong sa P2M shabu

2 nanay kulong sa P2M shabu

January 30, 2023 @ 9:00 AM 2 months ago


QUEZON- Kulungan ang kinasadlakan ng dalawang nanay kanilang isang high value individual na si alyas Mami matapos makuhanan ng higit sa P2 milyong halaga ng shabu ang mga ito sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kahapon sa bayan ng Gen. Luna, Quezon.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Melody Revilloza alyas Mami, 41, at Marie Baldoviso, 45, parehong residente ng Sitio Malalim, Barangay San Jose, Gen. Luna, Quezon.

Batay sa sa pinagsamang operasyon ng Quezon Police Provincial Office,Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at General Luna MPS, dakong ala-1:44 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa Brgy. San Jose, Gen. Luna, Quezon.

Nakuha sa sa mga suspek ang (1) P 1,000.00 na may serial no. BZ514211 at 13 pirasong tig isang libo boodle money na ginamit sa buy-bust, 20-pirasong heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng crystalline substance na pinaniniwalaan na shabu na may bigat na aabot sa 100 grams at DDB value P680, 000 at street value ng P2,040,000; at isang sling bag na kulay blue green.

Ayon sa QPPO ang pagkakadakip sa mga suspek ay sa tulong mamamayan sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa pamamagitan ng inilunsad na Community Mobilization Programs.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico