2 nat’l road sa CAR sarado sa mga motorista

2 nat’l road sa CAR sarado sa mga motorista

September 3, 2022 @ 9:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sarado sa trapiko ang dalawang national road sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa malakas na ulan dulot ng bagyong Henry at southwest monsoon, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Biyernes.

Iniulat ng Bureau of Maintenance na ang pagsasara sa landslide-prone Kennon Road ay dahil sa kaligtasan habang ang Apayao – Ilocos Norte Road section sa probinsya ng Madatag, Kabugao, Apayao ay sarado din dahil sa landslide.

Pansamantala namang itinigil ang clearing operations dahil sa adverse weather conditions at unstable slope.

Habang sarado ang Kennon Road, pinayuhan ng DPWH ang mga motorista patungong Baguio City na dumaan sa Marcos Highway, ang Baguio – Bauang Road, o Asin – Nangalisan – San Pascual Road bilang alternate routes.

Samantala, ang reactivated DPWH Quick Response Teams ay patuloy na minomonitor ang estado ng iba pang national road sections sa CAR at Region 2 na naapektuhan ng masamang panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden