2 nene nagwalwal, biniyak ng katomang mag-pinsan

2 nene nagwalwal, biniyak ng katomang mag-pinsan

April 19, 2022 @ 4:01 PM 2 months ago


BULACAN – “Basta may alak, may balak!”

Kalunos-lunos ang sinapit ng dalawang magkaibigang 15-anyos na dalagita matapos gahasain ng dalawang kainuman nang malasing sa Pulilan.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas Mong,19 at alyas Jeremy,20 kapwa binata habang ang mga biktima ay itago sa mga pangalang Jodie kapwa residente ng Brgy.Poblacion at Ritz,residente ng Brgy.Paltao.

Sa report ng pulisya,nangyari ang insidente bandang 9:00 ng gabi nitong Linggo,Abril 17 sa isang bahay na kanilang tambayan sa Brgy.Poblacion.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon,dahil kakilala ng mga biktima si Jeremy ay pinaunlakan nila na makipagkita sa bahay na kanilang tambayan.

Nang magkita ay pinakilala naman ni Jeremy ang kanyang pinsan na si Mong sa dalawang dalagita hanggang sa magkasundong mag-inuman.

Sa sarap ng kuwentuhan at tagayan ay naubos nila ang dalawang bote ng alak na “Empi” kaya nagyayang umuwi na ang dalawang dalagitang mga lasing.

Hindi pumayag at pinigilan ng mga suspek na umuwi ang mga dalagita dahil gabi at mga lasing na ang mga ito.

Dahil sa kalasingan,inilipat ni Jeremy si Ritz sa kuwarto habang si Jodie ay nanatili sa sala kasama ni Mong hanggang sa magkahiwalay na puwersahang pinagsamantalahan.

Matapos ang insidente at nang makakuha ng buwelo ay agad nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad kaya nahuli ang mga suspek.

Nalamang nakatakdang isalang sa counseling at sa genital examination ang mga biktima habang nahaharap ang suspek sa kasong rape in relation to RA 7610. Dick Mirasol III