2 New Year baby isinilang sa Fabella!

2 New Year baby isinilang sa Fabella!

January 1, 2023 @ 11:41 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinalubong ng Bagong Taon ang panganganak ng dalawang ginang ng kanilang New Year baby girl sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Unang isinilang si Baby Natalie Merey ng kanyang ina na si Mellany Soriano habang iniluwal naman ni Jennilyn Musca ang kanyang baby na si Ashley.

Ayon sa ospital, kumpara sa nagdaang taon, mas mababa ang bilang ng mga ipinapanganak na sanggol sa pagsalubong ng taon ngayong 2023.

Matiyaga namang naghintay at nag-abang ang ama ng dalawang ‘New Year baby’ dahil na rin sa ipinapatupad na protocol bunsod ng COVID-19.

Laking tuwa ng mga ito nang malamang naisilang ng malusog ang kanilang baby na anila ay simbolo ng bagong pag-asa at simula. Jocelyn Tabangcura-Domenden