2 Nigerian, 3 pa timbong sa modus gamit GCash

2 Nigerian, 3 pa timbong sa modus gamit GCash

January 27, 2022 @ 11:00 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Lima katao kabilang ang dalawang Nigerian national na sangkot sa phishing at mobile wallet scam ang naaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinabi ng NBI, target ng mga suspek na biktimahin ang mga may GCash account kung saan isa ang online seller na si Jason Cruz ang na-scam at nawalan ng P6,500 sa pamamagitan ng KKB o kanya-kaniyang bayad.

Sa ulat ng GMA News, sinabi ni Cruz na ipinangako ng scammer na ipadadala ang pera sa KKB feature ng Gcash ngunit nang iberipika nakatanggap naman ito ng text na galing umano sa Gcash na kailangan muna nitong magpadala ng pera sa KKB upang matanggap ang nasabing bayad.

Gayunman matapos gawin ito ni Cruz ay bigla namang nawala ang account ng scammer.

Nagpaalala naman ang NBI sa publiko na maraming taktika ngayon ang mga scammer upang makapanloko at makapanghingi ng halaga ng pera.

Payo ng NBI, dapat maging alerto at huwag ibigay sa iba ang pin at one-time password ng account.

“Sabi, tiga GCash kami, mag-open kayo ng account and in return, bibigyannamin kayo ng P500…Ikaw ang sasalo noong fraudulent transaction kasi ikaw ang nakapangalan doon sa Gcash”, sabi ni NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo.

Napag-alaman na ang GCash mismo ang nakadiskubre sa modus ng mga suspek kaya agad itong nakipagtulongan sa NBI .kaya naaresto ang mga suspek na kinabibilangan ng daawang Nigerian at tatlong Filipino na nambibiktima ng Gcash users.

Raket umano ng grupo ang lumikha ng bogus na web page para makuha ang personal data ng mga biktima.

Paalala ng NBI at GCash, huwag agad i-click ang anumang link na natatanggap upang hindi mabiktima ng scammer. Jocelyn Tabangcura-Domenden