2 Nigerian national, Pinay arestado sa bank fraud

2 Nigerian national, Pinay arestado sa bank fraud

August 11, 2022 @ 5:22 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tatlong scammers ang arestado kabilang ang dalawang Nigerian national at isang Pinay nang maaktuhan ang isa sa mga ito na nagtangkang mag-withdraw sa account ng isang negosyanteng Indian national sa China Bank San Pedro City, Laguna .

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Surjan Singh Kathait ,45 , may-asawa, Indian national, businessman, at pansamantalang naninirahan sa Bacoor, Cavite.

Ang mga naarestong suspek na kinilalang sina Samuel Nomso Esomchi 42, Nigerian national, nakatira sa Barangay Buaya, Imus, Cavite , Taye John Bamidele, 40, Nigerian national, residente ng Barangay Tandang Luna III, Imus Cavite at ang Pinay na si Gladys Rias Francisco, 47, widower, ng Carmona, Cavite.

Batay sa isinumiteng report sa tanggapan ni PBGen Antonio C. Yarra Regional Director ng PRO4 Calabarzon, nauna umanong nadakip ang Pinay na si Francisco ng dakong alas-2 ng hapon nang magtangka itong mag-withdraw ng halagang P400,000 sa China Bank San Pedro Branch sa Barangay Nueva San Pedro City, Laguna, subalit nabigo ito nang makipag-coordinate ang China Bank San Pedro Branch sa China Bank Carmona para sa inter-branch withdrawal.

Bukod dito, nakatanggap ng impormasyon mula sa China Bank Bonifacio Global City of Taguig kung saan ang nasabing remittance ay na-hack at posibleng fraud , kaya mabilis na nakipag-coordinate ang China Bank Manager San Pedro na si Ms. Ma. Victoria Marquez sa kanilang security office at San Pedro City Police Station para ireport ang naturan insidente.

Napag-alaman sa isinagawang follow up operation ay naaresto ang Nigerian National na si Mr. Esomchi sa Petron sa lungsod ng San Pedro, Laguna, samantalang nadakip naman si Mr. Bamidele (Nigerian national  sa Robinsons Galleria South at narekober ang halagang cash na P1,4000 na kakawithdraw lang.

Ang mga naarestong suspek ay pansamantalang nasa kustodiya ng San Pedro City Police Station at ini-relay sa Provincial Directorate for investigation and Detective Management, Laguna Police Provincial Office, kung saan nahaharap sa kaso ang tatlong suspek sa paglabag sa Republic Act 10178 Sec 4 (b) (2) known as “Cybercrime Prevention Act of 2012 “, Computer related fraud / Article 315 (Sindling Estafa ) of Revised Penal Code in relation to Sec 6 of RA 10175 na isinampa sa City Prosecutors Office of San Pedro City, Laguna .

“Isa na namang kahanga hangang aksyon ang ating nasaksihan mula sa ating kapulisan, sa kanilang pagtutulungan para maresolba itong kriminalidad na ito. Tunay na kahanga hanga ang dedikasyon at puso ng hindi lamang ng ating tropa kundi pati na rin ng mga responsableng mamamayan para mapatupad ang batas at bigyan hustisya ang lahat ng mga biktima ng maling gawain nitong masasamang loob na ito. Asahan ninyo na ang inyong PRO CALABARZON ay handang umagapay sa inyo at maglingkod ng tapat, may puso at malasakit sa lahat ng ating kababayan na nangangailangan ng aming tulong,” ayon kay PBGen. Yarra. Ellen Apostol