2 notoryus na tulak, patay sa buy-bust ops; P3-M marijuana nasabat

2 notoryus na tulak, patay sa buy-bust ops; P3-M marijuana nasabat

July 14, 2020 @ 1:05 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patay ang dalawang notoryus na tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Sto Niño, Nueva Ecija bandang 9:30 ng gabi nitong Linggo, Hulyo 12.

Nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga suspek at mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito at pagrekober sa ilang ebidensya.

Nasamsam sa mga ito ang dalawang piraso ng kalibre .38 revolver; 28 piraso ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa transparent plastic wrapper na tinatayang may bigat na 28 kilo at isang sasakyan.

Sinasabing notoryus na tulak ang dalawa na nag-o-operate sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon. RNT/MM/Val Leonardo


  •  
  •  
  •  

Loading...