2 NPA member patay sa engkwentro

2 NPA member patay sa engkwentro

April 19, 2022 @ 4:09 PM 2 months ago


QUEZON – Dalawang hinihinalang miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang nasawi makaraang maka-engkuwentro ng puwersa ng 80th Infantry Battalion sa Sitio Angel Barangay Umiray General Nakar.

Ang dalawang hindi nakikilalang rebeldeng nasawi ay mga miyembro ng Platun 1 SDG KLG NARCISO na nagsasagawa ng operasyon sa nabanggit na lugar.

Narekober sa mga nasawi ang isang M14 rifle, isang M16 rifle, isang M203 grenade launcher, at tatlong jungle bag packs na naglalaman ng ibat-ibang klase ng dokumento gayundin ng mga personal na kagamitan ng mga terorista.

Napag-alaman na ang mga nasabing rebelde ay nagsasagawa ng extortion at terroristic activities nang maganap ang engkuwentro.

nakatakas ang mga kasamahan ng dalawang nasawing NPA member habang wala namang naiulat na nasugatan sa hanay ng tropa ng pamahalaan.

“This is a tangible proof of the government and the citizen’s genuine collective desire to end this decades-long insurgency that claimed numerous lives. For now, the NPA terrorists are no longer enjoying mass base support brought about by the effective and efficient implementation of the Local Task Force ELCAC in the delivery of basic services down to the grass roots,” ani BGen. Cerilo C. Balaoro  Jr.

Nanawagan din siya sa mga natitirang mga miyembro  ng communist rebel group ay bumaba na sa kabundukan at magbalik-loob sa pamahalaan upang maging malaya , kung saan nakahandang tulungan ang mga ito at suportahan ng gobyerno.

Samantalang, patuloy ang pagsasagawa ng operasyon ng Philippine Army sa pakikipagtulungan ng PNP, Local governments , at Local populace laban sa mga teroristang NPA sa lalawigan ng Quezon ,kung saan hinihikayat ang mga ito na sumuko. Ellen Apostol