2 NPA patay sa NegOcc clash

2 NPA patay sa NegOcc clash

December 15, 2021 @ 6:05 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng Army’s 94th Infantry Battalion (IB) sa Sitio Delo, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong Lunes, Disyembre 14.

Hindi naman pa inilahad ng mga awtoridad ang pangalan ng nasawi dahil sa kasalukuyan pa itong kinukumpirma.

Ayon kay Brig. Gen. Inocencio Pasaporte, commander ng 303rd Infantry Brigade (IBde), nagsasagawa ang mga sundalo ng security operations makaraang makatanggap ng ulat tungkol sa mga NPA.

DIto ay inatake sila ng nasa 10 armadong kalalakihan.

Nakuha rin sa crime scene ang 22 cellular phones; dalawang .45 caliber pistols; isang .38 caliber pistol; dalawang granada; at iba pang dokumento.  RNT/FGDC