2 NPA sa Isabela, sumuko

2 NPA sa Isabela, sumuko

July 15, 2022 @ 2:55 PM 3 weeks ago


CAMP LT. ROSAURO T. TODA JR., ILAGAN CITY, ISABELA- Tuluyan nang tinalikuran ang pagiging terorista ng dalawang miyembro ng New People’s Army o NPA matapos boluntaryong sumuko sa kapulisan ng 2nd IPMFC na pinamumunuan ni PLtCol.Dennis Pamor, Force Commander sa Brgy. Uno, Jones, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PLtCol. Dennis Pamor kay PCol. Julio R.Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, kasabay ng pagsuko ng dalawang rebelde ay bitbit din nila ang dalawang unit ng explosives na isang M203 grenade at isang rifle grenade na pagpapakita ng kanilang buong pusong pagbabalik loob sa gobyerno.

Naging matagumpay ang pagsuko ng dalawa dahil sa husay ng mga personnel ng 3rd platoon ng 2nd IPMFC kasama ang PIU-IPPO na pinamumunuan ni PMaj. Joel Dulin, RIU2-PIT, 205th Maneuver Company-RMFB2, 86th IB-5ID, PA at Echague PS mula sa mahusay na liderato ni PCol. Go sa patuloy na pagsasagawa ng mga PNP Retooled Community Support Program activities ng 2nd IPMFC na sumusuporta sa E.O. 70 (NTF-ELCAC).

Ang dalawang rebelde ay sinamahan ng CTG Tracker Team at 3rd platoon para sa tactical interview at ang mga isinurender na pampasabog ay dinala rin sa 2nd IPMFC HQs para sa nararapat na dokumentasyon at disposisyon.

Sa ngayon ay inaasikaso na ng kapulisan ang tulong sa dalawang dating rebelde para sa kanilang pagbabagong buhay. Rey Velasco