2 Nursing graduates nanguna sa licensure exams

2 Nursing graduates nanguna sa licensure exams

June 11, 2022 @ 10:45 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanguna ang graduate mula sa Emilio Aguinaldo College – Manila at isa pa mula sq Our Lady of Fatima University – Valenzuela sa May 2022 Nursing Licensure Examination, batay sa Professional Regulation Commission (PRC).

Parehong nakakuha sina Keziah Kyleen Galit Gonzales at Nora Jane Bacarisas Staveley ng percentage rating na 90.0 porsyento.

Nakalusot naman ang 6,616 sa 9,729 Nursing graduates na kumuha ng pagsusulit sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga nitong nakaraang buwan. RNT/SA