2 OFW tiklo sa pamemeke ng dokumento

2 OFW tiklo sa pamemeke ng dokumento

July 8, 2021 @ 8:14 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Arestado ang dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa paggamit ng mga pekeng travel documents upang makaalis ng bansa.

Sinabing patungo sana ang dalawa sa United Arab Emirates nang mahuli ng mga operatiba ng Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation (NBI).

Iniulat na peke rin ang isang employment certificate at RT-PCR test result ng suspek.

“Umamin naman na hindi siya dumaan sa swab test. Iniimbestigahan namin kasi gusto naming mahuli kung sino ‘yong nagbigay ng pekeng dokumento sa kaniya,” lahad ni NBI International Airport Investigation Division chief Ruel Dugayon.

“Ang ginamit niyang birth certificate [to secure the passport] ay birth certificate ng kapatid niya para ma-qualify siya kasi ang edad ng pasaherong papuntang Saudi Arabia ay 23 years old. Underage pa siya.”

Nahaharap naman ang OFWs sa kasong falsified documents at paglabag sa  Philippine Passport Act. RNT/FGDC