2 opisina ni Digong sa Manila at Davao, ‘di pabigat sa gobyerno – Roque



2 opisina ni Digong sa Manila at Davao, ‘di pabigat sa gobyerno – Roque

March 10, 2021 @ 7:56 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hindi umano nakabibigat sa gobyerno ang pagkakaroon ng dalawang opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa sa Maynila at isa sa Davao, ayon sa kanyang tagapagsalita.

Sa interbyu kay presidential spokesperson Harry Roque sa GMA, hindi umano maiiwasan ang pagkakaroon ng opisina ng Pangulo sa Davao dahil natural lang na gusto ni Duterte na mapalibutan ng mga taong tunay niyang pinagkakatiwalaan kung saan kabilang na rito ang kanyang mga kababayan.

“Hindi mo matatanggal sa Presidente ‘yan. Appointments are a matter of trust and confidence. Of course, there are people from Davao,” ani Roque.

“There are no additional plantilla positions so there is no additional budget. His office there, the Panacañang, is also just a small place and in fact, we save money because he stays in his home which is very modest,” dagdag pa ng Pangulo.

“It is even a benefit because the seat of power is shared between Manila  and Mindanao,” dagdag pa ni Roqque.

“Hindi naman masama ‘yan.” RNT


  •  
  •  
  •