2 opisyal ng frat, huli; 7 pa pinaghahanap sa pagkasawi ng binatilyo sa hazing

2 opisyal ng frat, huli; 7 pa pinaghahanap sa pagkasawi ng binatilyo sa hazing

March 23, 2022 @ 11:13 AM 3 months ago


MANILA, Philippines- Arestado ang dalawa habang pitong suspek pa nakalalaya sa hazing incident na  ikinamatay ng 18-anyos na biktima sa Kalayaan, Laguna.

Sa ulat, nasawi ang suspek na si Raymark “RR” Rabutazo, isang neophyte ng Tau Gamma Phi, dahil sa mga palong natanggap sa umano’y hazing.

Sa panayam sa GMA, sinabi ni Kalayaan Police chief Police Lieutenant Erico Bestid Jr. na dalawang suspek ang nauna na nilang naaresto noong Martes.

“Actually, nakapag-inquest na po tayo kahapon. Identified na natin yung dalawa, arrested po natin yung dalawang suspek. At large po ngayon is pito,” aniya.

Kinilala niya ang dalawang opisyal ng fraternity na sina Reyvince Espaldon at Venzon Benedict Lacaocao na iniharap na para sa inquest sa tanggapan ng piskalya sa lalawigan para sa kasong homicide at paglabag sa mga kasong anti-hazing law.

Sinabi ni Remil Rabutazo, ama ng biktima, na hindi bababa sa 23 miyembro ng fraternity ang naroroon sa hazing venue – ang ilan sa kanila ay kanilang mga kamag-anak.

Ayon kay Bestid, ang mga sangkot sa hazing ay mga estudyante at out-of-school youth.

Aniya, walang pananagutan ang kanilang paaralan dahil community-based at hindi school-based ang concerned fraternity chapter.

Noong Marso 20, pumunta ang lola ni Rabutazo sa himpilan ng pulisya upang iulat na ang kanyang apo, na dinala sa Gen. Cailles Hospital, ay nagtamo ng mga pinsala sa initiation rites ng fraternity, sinabi ng Philippine National Police (PNP) noong Martes.

Dead on arrival ng attending physician ang biktima.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang hazing sa bulubunduking lugar sa Barangay San Juan sa Kalayaan, Laguna, ayon sa PNP. RNT