2 out of 3, hindi sang-ayon sa Cha-Cha- survey

2 out of 3, hindi sang-ayon sa Cha-Cha- survey

July 16, 2018 @ 10:33 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa inilabas na resulta ng Pulse Asia survey, dalawa sa tatlong Pinoy o 67% ay hindi sang-ayon sa kasalukuyang ginagawang hakbang ng gobyerno para palitan ang 1987 Constitution.

Sa 67% na ito, 37% ay hindi sang-ayon sa pagpapalit ng konstitusyonngayon at sa mga susunod pang mga taon habang 30% naman ay hindi sang-ayon sa ngayon ngunit magiging bukas naman sa Charter change sa hinaharap, ayon pa sa survey.

Ang survey na isinagawa noong June 15 to 21, ay nagpakita rin ng 55% ng mga Pinoy ay may sapat na kaalaman tungkol sa mungkahing amiyendahan ang 1987 Constitution habang 74% naman ang umaming mayroong “little” o “almost no knowledge” tungkol sa 1987 Constitution. (Remate News Team)