2 pang bangkay narekober ng PH contingent sa Turkey

2 pang bangkay narekober ng PH contingent sa Turkey

February 15, 2023 @ 5:33 PM 1 month ago


TURKEY – Nakarekober ng dalawa pang katawan ang Philippine rescue unit sa Turkey.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules, Pebrero 15, nakarekober pa ng dalawang bangkay ang urban search and rescue (USAR) team ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) sa isang apartment complex sa “Sector N” ng southeastern city ng Adiyaman na sinapul ng magnitude 7.8 na lindol.

“Team resumed operations on one apartment complex within ‘Sector N’. Able to retrieve two additional dead victims,” dagdag pa ng OCD.

Nakakuha na ng kabuuang apat na bangkay ang PIAHC USAR team mula noong Lunes, Pebrero 13.

Samantala, inasistehan naman ng Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) ang nasa 168 Turkish patients mula Pebrero 11 hanggang 14.

“The patients catered by the PEMAT are as follows: 11 February 2023: 14 patients served;12 February 2023: 41 patients served; 13 February 2023: 60 patients served; 14 February 2023: 53 patients served. Total: 168 patients,” ayon sa ulat ng OCD.

Sinabi naman ni OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV na hindi na tatanggap ng ikalawang contingent ang Ankara mula sa Manila.

Sa kabila nito, sinabi naman ng pamahalaan ng Turkey na maaari pa ring magpadala ng tulong na non-food items ang Pilipinas. RNT/JGC