2 pang batas na magpapalakas sa anti-money laundering law sinertipikang urgent ni PRRD

2 pang batas na magpapalakas sa anti-money laundering law sinertipikang urgent ni PRRD

October 17, 2020 @ 12:45 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinertipikahan  ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte bilang urgent ang pagpapasa ng dalawa pang batas na magpapalakas sa anti-money laundering law at magbibigay katiyakan ng katatagan ng  financial industry ng bansa sa gitna ng  COVID-19 pandemic.

Nais ni Pangulong Duterte ang agarang pagpapasa sa  counterpart bills House Bill No. 6174 at Senate Bill No. 1412 para makasunod ang bansa sa legal standards para sa anti-money laundering at counterterrorism financing, na itinatag ng makabuluhang  international bodies.

“Such compliance will avoid adverse findings against the country which could lead, among others, to increased costs of doing financial transactions, to the prejudice of the business sector and our overseas Filipino workers,” ang nakasaad sa hiwalay na liham ni Pangulong Duterte kina House Speaker Lord Allan Velasco at Senate President Vicente Sotto III na ipinalabas sa media, araw ng Sabado.

Hangad din ng Chief Executive amg agarang pagpapasa sa Senate Bill No. 1849 o “An act ensuring Philippine Financial Industry Resiliency Against COVID-19 Pandemic.”

Ang nasabing hakbang, ayon sa Pangulo sa liham nito kay Senador Sotto ay “strengthen financial initiatives towards national economic recovery and maintain the stability of the financial sector amidst the COVID-19 pandemic.”

Ang mga batas na sinertipikahan bilang urgent ay exempted mula sa rule na nagre-require sa mga mambabatas na pag-aralan ang measure ng tatlong araw bago pa pagbotohan ito.

Ito ang ikatlong paglakataon ngayong linggo na ang Pangulo ay nagsertipika ng batas bilang urgent.

Nito lamang Miyerkules ay nais ng Pangulo ang mabilis na pagpapasa sa  Senate Bill No. 1844.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 1844, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang panukalang batas na layong bigyan ng otoridad ang pangulo ng bansa na pabilisin ang proseso ng pagbibigay ng mga permit at lisensya sa panahon ng national emergencies.

Magkakaroon din dito ng kapangyarihan ang pangulo ng bansa na i-streamline ang proseso ng pagbibigay ng mga national at local permit, lisensya at sertipikasyon kapag nasa ilalim ng isang national emergency ang bansa.

Binibigyang diin din ng naturang panukala ang kasalukuyan nang kapangyarihan ng Presidente na suspendihin o tanggalin sa puwesto ang mga opisyal o empleyado ng gobyerno na hindi makakasunod sa layunin ng panukala. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...