2 pang COVID-19 treatments inaprubahan ng WHO

2 pang COVID-19 treatments inaprubahan ng WHO

January 14, 2022 @ 10:39 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng World Health Organization ang dalawang bagong COVID-19 treatments ngayogn Biyernes.

Base sa rekomendasyon sa n British medical Journal (BMJ), sinabi ng WHO experts na ang arthritis drug baricitinib na ginagamit kasama ang corticosteroids para gamutin ang severe o critical COVID patients ay nagpakita ng positibong resulta at mataas na survival rates, maging ang pagbawas ng paggamit ng ventilators.

Inirekomenda rin ng mga eksperto sa WHO ang synthetic antibody treatment Sotrovimab para naman sa mga non-serious COVID pero may mataas na tsyansang maospital tulad ng mga matatanda, mga may immunodeficiencies o chronic diseases such tulad ng diabetes.

Matatandaang nauna nang aprubahan ng WHO ang tatlong iba pang treatment para sa COVID-19.

Kabilang rito ang corticosteroids para sa severe COVID-19 patients; ang tocilizumab at sarilumab; at ang Janus kinase inhibitors. RNT