2 pang Degamo slay suspect gustong maging state witness

2 pang Degamo slay suspect gustong maging state witness

March 8, 2023 @ 11:22 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Dalawa pa sa apat na nakakulong na suspek sa pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at walong iba pang tao ang nagpahayag ng kanilang intensyon na maging state witness laban sa may pakana ng pagpatay.

Nasa kustodiya na ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga suspek na sina Joric Garido Labrador, Joven Calibjo Javier, Benjie Buladola Rodriguez, at Osmundo Rojas Rivero matapos silang maisakay sa eroplano noong Martes ng umaga, Marso 7, mula sa Dumaguete City.

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na sa utos ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla at Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., “the two (2) respondents who previously expressed their intention to cooperate were immediately turned over to the NBI for protective custody and further investigation.”

Gayunpaman, noong hapon ng Marso 7, sinabi ng DOJ na ang natitirang dalawang suspek ay “nagpahayag din ng kanilang intensyon na makipagtulungan.”

“Kaya, ang PNP at ang NBI ay sumang-ayon sa turnover ng natitirang dalawang respondents” sa NBI, sinabi ng DOJ sa isang press briefer.

“The statements made by the respondents (4 suspects) are in the verification process at the time of this writing.  The specific motive of the murder has yet to be confirmed as the DILG (Department of the Interior and Local Government) and the DOJ will exert every effort to see all the factors at play in this incident,” dagdag pa ng DOJ. RNT