2 pang “Luffy” suspects arestado P’que

2 pang “Luffy” suspects arestado P’que

March 12, 2023 @ 10:42 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawa pang suspek sa kaso ng Japanese ‘Luffy’ hapon nitong Biyernes, Marso 10.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang dalawa ay inaresto sa BF Homes sa Paranaque City ng mga operatiba ng Fugitive search unit (FSU) ng BI.

Ibinahagi ni Tansingco na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga awtoridad ng Japan na ang dalawa ay may standing warrant of arrest na inisyu ng Tokyo Summary Court noong Setyembre 2022 para sa pagnanakaw na labag sa Japanese Penal Code.

Kinilala ni BI FSU Chief Rendel Ryan Sy ang mga Japanese national na sina Fujita Kari, 24 at Kumai Hitomi, 25.

“This is a major breakthrough in the case, as we have finally arrested more suspects involved in this major case in Japan,” ani Tansingco. “They will finally be facing their crimes in their homeland,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaan na naging paksa ng mga balita noong nakaraang buwan ang nasabing kaso matapos ang isang gang na may isang lider na kilala bilang ‘Luffy’ ay gumawa ng sunud-sunod na marahas na krimen sa Tokyo.

Ang pinuno umano ng nasabing grupo ay kinilalang si Yuki Watanabe, na ipinatapon noong Pebrero 8.

Sina Fujita at Kumai ay itinuring ng BI bilang undesirable aliens, at inilipat sa pasilidad ng BI sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang kanilang deportasyon. JAY Reyes