2 pang  OFW kakasuhan sa paglabag sa quarantine protocols

2 pang  OFW kakasuhan sa paglabag sa quarantine protocols

January 24, 2022 @ 2:28 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kakasuhan ang dalawa pang returning overseas Filipino workers sa paglabag sa quarantine protocol partikular na ang pamemeke ng quarantine certificate, ayon sa Bureau of Quarantine.

Sinabi ni Dr Robert Salvador, Bureau of Quarantine deputy director na naisampa na nila ang kaso sa dalawang OFWs sa hindi pagsunod sa quarantine.

“Nagbreak ng protocol at nandaya ng quarantine certificate.”

Samantala, naunang sinabi na higit 3,000 overseas Filipino ang dumarating sa bansa kada araw.

“Mula po noong 2nd week of December, tumaas talaga po ang bilang ng mga nagpa-positive na mga kababayan natin na bumalik sa Pilipinas. Umakyat po ito ng more than 400 noong December, ayun po nagstart noong Saturday first time kami nakakuha ng 250 na nagpositive. Sana tuloy tuloy na bumaba ang trend natin starting noong Saturday bumaba ang bilang natin,” dagdag pa ni Salvador.  RNT/FGDC