2 panukalang bubuhay sa entertainment industry inihain ni Goma

2 panukalang bubuhay sa entertainment industry inihain ni Goma

August 4, 2022 @ 12:08 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Bilang paunang hakbang upang maalalayan ang entertainment industry na pinadapa rin ng pandemya, naghain si Leyte Rep. Richard Gomez (4th district) ng dalawang panukalang batas na ang layunin ay maiangat muli ang industriya na kaniyang kinabilangan.

Isa sa panukalang ito ay upang maisulong ang pag-preserba sa mga film heritage ng bansa at ang cinematographic arts bilang pagtugon sa probisyong nakasaad sa kunstitusyon na maprotektahan ng gobyerno ang imbakan ng pelikulang Pilipino.

Ang House Bill No. 936 ay pangunahing nagsusulong na magkaroon ng tinatawag na film archive na nakasaad sa Republic Act No. 9167, o ang batas na lumikha sa Film Development Council of the Philippines.

Sinabi ni Gomez na “not much has been done along the line of protecting and conserving our film reservoir, understandably due to the usual problems of funding constraints and lack of technical expertise and storage infrastructural facilities.”

Ayon sa aktor, libu-libong perlikulang Pilipino ang nawala o hindi na-preserbe dahil sa kawalan ng systematic identification, preservation, at restoration.

“This bill is premised on that hope or chance, no matter how slim and diminishing, that some copies of ‘lost’ Filipino classics may still be traced, acquired, and preserved for the benefit of our present and future generations,” ani Gomez.

Paliwanag pa ng mambabatas na ang industriya ng pelikula ay higit pa sa commercial enterprise para sa kasiyahan ng publiko kungdi ang mga cinematic films ay sumasalamin sa buhay ng tao, lipunan, pakikibaka na siyang nagiging gabay o daan upang maunawaan ang kahalagahang panlipunan at panbansang pagkakakilanlan.

Aniya, ang batas na ito ay “give life, infuse meaning, and flesh out the intent of constitutional provisions with the end in view of promoting our cinematographic arts and building and conserving our Filipino film heritage.”

Ang House Bill No. 1428 naman ay naglalayong maiangat ang mga Pilipinong artista sa kanilang napiling larangan sa pammagitan ng pagbibigay ng insentibo pera man o bagay na makapag-uuwi ng karangalan sa bansa mula sa mga pandaigdigang kompetisyon.

“This proposed legislation would be a step closer in the right direction in making the arts a respectable and decent source of livelihood for our artists,” dagdag pa ni Gomez.

Sa ganitong paraan aniya ay maitutuwid at mababago ang matagal ng limitadong tulong at napabayaang industriya sa pagsasabing ang panukalang ito ay magsisilbing “rectify, to a limited extent, the decades of neglect, discrimination and sometimes even opprobrium suffered by artists in a society which prides itself as being democratic and labels itself as humane.”  Meliza Maluntag