2 PANYO ANG NAGAMIT: Luha ni Pangulong Duterte, magastos

2 PANYO ANG NAGAMIT: Luha ni Pangulong Duterte, magastos

June 30, 2018 @ 10:00 AM 4 years ago


Manila, Philippines – Ikinuwento ni  Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakagamit siya ng dalawang panyo nang siya’y umiyak nang makita niya kung paano winasak ng bagyong Yolanda ang Visayas.

“Naggastos ang luha ko siguro dito ng mga dalawang panyo. Totoo. Literally. I was bleeding inside my heart,” ani Pangulong Duterte.

Naalala ng Chief Executive ang naging matinding hagupit ng Super Bagyong Yolanda sa Visayas noong 2013.

Ito aniya ang isa sa pinakamalungkot na pangyayari sa kanyang buhay.

Binanggit naman ng Pangulo na siya ay ipinanganak sa Maasin, Leyte.

Magugunitang,  nadismaya si Pangulong Duterte sa mabagal na paglipat sa mga biktima ng Yolanda sa permanent housing.

Kaya nang siya ay bumalik ay masaya siya na halos nakatayo nang muli ang Leyte at iginiit ang pagsulong ng mga pabahay sa ilalim ng kanyang termino.

“You know about six months after, I went back here to look at the progress of the housing, the ones built under my term, I was really surprised na Leyte almost was back on its feet and the skyline was more pleasant to see. More buildings and all,” ang pahayag ng Pangulo.

Samantala, pinuri naman ng Punong Ehekutibo ang katatagan ng mga mamamayan ng Leyte at sinabi sa mga ito na sila ay pinagpala sa maraming pagkakataon. (Kris Jose)