2 parke sa Valenzuela binuksang muli sa publiko

2 parke sa Valenzuela binuksang muli sa publiko

February 4, 2022 @ 6:36 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Binuksan nang muli sa madla ang Valenzuela City Family Park at Polo Park nitong Pebrero 4.

Gayunpaman, tanging mga fully vaccinated na indibidwal lamang ang papayagang makapasok.

Hahanapin sa pagpasok pa lamang sa parke ang Valtrace QR Code at VCVax passport.

Lahat ng bibisita ay dapat ring magsuot ng face mask.

Ayon sa pamahalaang lungsod, may karapatan ang mga namamahala ng mga parke na ipasara ang mga ito kung hindi nasusunod ang mga minimum health protocols.

Bukas ang mga nasabing parke 6 am hanggang 9 pm araw-araw.

Kaugnay nito, pinasinayaaan at binasbasan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)- Valenzuela City Friendship Parks sa Disiplina Village Bignay

Ang proyekto ay binubuo ng apat na outdoor parks na malapit nang pakinabangan ng mga mamamayan. Merly Iral