2 pasahero nawawala sa nasunog na barko

2 pasahero nawawala sa nasunog na barko

August 27, 2022 @ 12:02 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaalam ngayon ng joint team ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at Special  Operations Unit – Southern Tagalog ang sinasabing dalawang pasahero ng nasunog na barko na umanoy nawawala.

Batay sa pinakahuling update ng PCG ngayong umaga, nasagip na ang 47 apsahero at 38 crew ng MV Asia Philippines na nasunog sa katubigan ng Batangas Anchorage area kagabi.

Pero ang dalawang pasahero ay patuloy na inaalam kung talagang missing o nakauwi na sa kanilang bahay.

Ayon pa sa PCG, may posibilidad na na-rescue na sila at agad na umuwi bago ang isinagawang documentation, o kaya naman ay nadoble sa listahan ang kanilang pangalan.

Bandang 08:10 ngayong umaga, bumiyahe papuntang Batangas Anchorage area ang joint team para inspeksyunin ang barko sakay ng Mtug Schatzi.

Samantala, ligtas at hindi naman nasunog ang 16 rolling cargoes na sakay ng barko.

Patuloy din ang inspeksyon ng joint team sa kabuuan ng MV Asia Philippines ,Starlite Ferries. Jocelyn Tabangcura-Domenden