2 paslit nalunod sa Rizal

2 paslit nalunod sa Rizal

January 8, 2023 @ 3:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patay ang dalawang batang lalaki makaraang malunod sa isang ilog sa Morong, Rizal nitong Sabado, Enero 7.

Ayon sa impormasyon mula sa Morong Police, ang dalawang bata ay nagtungo tanghali ng Sabado sa Morong River kasama ang ilan pang mga kalaro nito para maligo.

Sa kasagsagan ng paliligo ng mga bata ay bigla na lamang naanod ng malakas na agos ng tubig ang dalawa at natangay na sa malalim na parte ng ilog.

Dahil dito ay kagyat na nagkasa ng search and rescue operation ang pulisya kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at local disaster office sa naturang bayan nang makahingi ng tulong ang mga kasamahan nito.

Nakuha ang wala nang buhay na katawan ng dalawang bata bandang alas-9:30 ng gabi.

Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na iwasan ang pagligo sa naturang ilog sa banta ng biglaang paglaki ng tubig dito. RNT/JGC