2 paslit nasagasaan ng lasing na rider

2 paslit nasagasaan ng lasing na rider

December 26, 2022 @ 7:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang lalaki matapos makasagasa ng dalawang bata na namamasko sa Malate, Maynila nitong Linggo ng umaga, araw ng Pasko.

Sa ulat, lasing umano ang rider na humaharurot sa direksyon ng mga bata kasama ang kanilang tiyahin habang naghihintay ng masasakyan.

Edad 4 at 12-taong gulang ang mga bata na nagtamo ng sugat sa katawan at ulo.

Matapos ang aksidente, sinubukan ng rider na tumakas kaya muling nakasagasa ng isa pang bata sa lugar kaya hinarang na ito ng mga residente.

Dito na naglabas ng baril at nagpaputok ang rider at nanutok ngunit maagap ang isang residente kaya naaagaw nito ng baril ng suspek.

Alibi ng suspek, nataranta siya kaya pinaharurot niya ang kanyang motorsiklo.

Bagama’t humingi ng pasensya ang suspek ay mahaharap pa rin ito sa patong-patong na kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden