2 paslit sinunog nang buhay ni tatay

2 paslit sinunog nang buhay ni tatay

November 27, 2020 @ 6:44 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Norther Samar– Nalitson nang buhay ang magkapatid na paslit makaraang sunugin ng kanilang tatay ang kanilang bahay sa Catarman.

 

Dinakip ng pulisya ang ama ng mga biktima na kinilalang si Fernando Ford Frigilliana, 39, residente ng Barangay Dalakit, Catarman, Northern Samar.

 

Inaalam pa ang pangalan ng mga paslit at ang kanilang edad.

 

Ayon kay Senior Fire Officer (SFO) 2 Ruben Calumpiano ng Catarman Fire Station, nagsimula ang sunog dakong 4:00 ng madaling araw kanina subalit bandang 6:00 na ng umaga na nila natanggap ang report mula sa mga kapitbahay na nagsumbong.

           

Lumabas sa pagsisiyasat na huling nakita ang suspek na kumuha ng gasolina sa nakaparadang motorsiklo ngunit hindi nila akalaing ibubuhos ito sa kanilang bahay saka hinagisan ng apoy.

           

Dahil gawa lamang kahoy at pawid ang bahay ay mabilis itong natupok, kasama ang dalawang bata na noo’y mahimbing pang natutulog.

           

Sa pagresponde ng mga awtoridad, naabutan nila ang suspek na tulala.

           

Nakatakdang sampahan ng patung-patong na kaso ang suspek.

           

Nabatid na walang trabaho ang suspek at naburyong na sa kanilang bahay. Mary Anne Sapico


  •  
  •  
  •  

Loading...