2 paslit tusta sa sunog sa Manda

2 paslit tusta sa sunog sa Manda

March 11, 2023 @ 4:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang bata na may edad lima at walo sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Block 37 Extension, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City Sabado ng umaga, Marso 11.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagmula ang apoy sa 2nd floor ng isang tatlong palapag na makeshift house. Nagsimula ito alas-7:19 ng umaga at idineklarang fire out alas-8:37 ng umaga.

Tinatayang nasa P150,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok ng sunog na ikinawalan ng tirahan ng 120 indibidwal.

Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng sunog. RNT