2 patay, 1 kritikal sa araro ng 6-wheeler Isuzu van

2 patay, 1 kritikal sa araro ng 6-wheeler Isuzu van

August 10, 2022 @ 2:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dalawa ang deklaradong patay habang isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang araruhin ng 6 wheeler Isuzu close van na nawalan ng preno ang 8 sasakyan sa Olalia Road, Antipolo City.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang isa sa nasawi na si Maria Demaligalig habang ligtas naman na naka-confined sa Amang Rodriguez Medical Center ang mister nito na si Tommy Demaligalig.

Bukod sa nabanggit, isa pang nakamotorsiklo ang namatay at kritikal ang backrider nito na hindi na binanggit ng pulisya ang pangalan.

Habang arestado naman ang driver na si Henry Martin, ng Izusu 6 wheeler close van na may plakang NBE-5794 at nakapiit ngayon sa detention cell ng pulisya.

Ayon sa pulisya, dakong alas-10:20 ng umaga, Agosto 8, nangyari ang insidente sa Olalia Road, Brgy., Dela Paz sa lungsod.

Lumilitaw na sakay ng Honda Click motorsiklo ang mag-asawang Demaligalig habang nawalan naman ng preno ang sasakyan ng suspek na unang inararo ang mga nakatambak na hallow blocks at tuloy na inararo ang 8 sasakyan kabilang na ang mga motorsiklo. his explanation

Nahaharap naman sa kasong double homicide, serious physical injuries at multiple damage to property ang driver ng 6 wheeler close van. Rene Tubongbanua