2 patay, 2 sugatan sa salpukan sa C5 flyover

2 patay, 2 sugatan sa salpukan sa C5 flyover

September 13, 2021 @ 7:38 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang indibidwal habang sugatan ang dalawa pa sa naganap na aksidente sa C5 flyover sa Pasig City, Lunes ng madaling araw.

Bandang 2:36 a.m. umano nangyari ang aksidente sa sa northbound lane ng C5 flyover.

Sinabi ng nakaligtas na driver ng sasakyan, mula sa Makati ay papunta sana silang Marikina nang mangyari ang aksidente.

Isang truck umano ang bumunggo sa kanila at tinakbuhan ang mga ito. Sa sobrang lakas ng pagkakabundol ay nayupi ang sasakyan.

Patay ang dalawang babae na nasa nasa kanang bahagi ng Mitsubishi Mirage.

Dinala na sa ospital ang dalawang nakaligtas na sakay ng kotse. RNT


  •  
  •  
  •