2 patay sa cholera sa NegOcc

2 patay sa cholera sa NegOcc

November 5, 2022 @ 4:36 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakapagtala sa Negros Occidental ng 24 kumpirmadong cholera cases —dalawa sa bilang na ito ang nasawi — batay sa provincial health office.

Naitala sa Talisay City ang karamihan sa mga kaso (10), na sinundan ng mga karatig-bayan na Silay at EB Magalona na may tig-lima. Naiulat naman sa Victorias City at Calatrava ang tig-isang kaso.

Mula 2019 na walang naiuulat na kaso, naitala ng provincial government ang unang kaso sa lugar noong Enero 2022. 

Ipinag-utos sa local government units na magtalaga ng Food and Drinking Water Quality Monitoring Committees. Subalit, sa 31 LGUs, 11 lamang ang nakabuo ng komite.

Binabantayan din ng lalawigan ang kaso ng typhoid fever, base kay Provincial Health Officer Dr. Ernell Tumimbang. 

Mula Enero, anim na ang nasawi at mahigit 600 ang nasapul ng karamdaman. RNT/SA