2 patay  sa COVID sa Caloocan, 2 rin sa Malabon

2 patay  sa COVID sa Caloocan, 2 rin sa Malabon

July 8, 2021 @ 1:32 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Dalawa ang naitalang patay  sa COVID-19 sa Caloocan City nitong Hullyo7 at dalawa rin ang namatay sa Malabon City  sa nasabing petsa.

Mula 1,097 noong Hulyo 4, pumanhik nas 1,099 ang COVID death toll sa Caloocan.  Pumalo na sa 38,659 ang tinamaan ng COVID sa lungsd, at sa nasabing bilang ay 37,084 na gumaling at 456 ang active cases matapos na 20 ang magpositibo sa virus. July 4

Umakyat naman sa 453 ang death toll sa Malabon City at 11  naman ang nadagdag na confirmed cases. Sa kabuuan ay 13,578 ang positive cases sa Malabon, 116 dito ang active cases.

Sa kabilang banda, limang pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling at sa kabuuan ay nasa 13,009 ang recovered patients ng Malabon.

Wala namang naitalang patay sa Navotas ngunit 109 na ang active cases sa lungsod matapos na 16 ang magpositibo sa virus habang lilima lamang ang gumaling.  Umakyat na sa 11,104 ang nasapul ng pandemya sa lungsod, kung saan 10,624 na ang gumaling at nanatiling 371 ang namatay.

Wala ring namatay sa Valenzuela City at 136 ang active cases matapos na 14 ang mahawaan ng COVID at lima lamang ang nakarekober.  Sumampa na sa 20,860 ang confirmed cases sa lungsod, kung saan 20,130 na ang nakarekober at 540 na ang namatay. Merly Iral