12 patay sa COVID sa Caloocan; 2 sa Malabon

12 patay sa COVID sa Caloocan; 2 sa Malabon

May 29, 2021 @ 1:34 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Labingdalawa ang patay sa Caloocan at dalawa naman sa Malabon dahil sa COVID-19 nitong Mayo 28.

Ayon sa Caloocan City Health Department and City Epidemiology and Surveillance Unit, 1,003 ang active cases at pumalo na sa 31,613 ang total confirmed cases.

Sa nasabing bilang ay 29, 677 na ang gumaling at 933 na ang namatay.

Samantala, 438 na ang death toll sa Malabon City at 137 ang active cases. Maliban dito 20 ang nadagdag na confirmed at sa kabuuan ay 13,042 ang positive cases sa syudad.

Sa kabilang banda, 40 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay nasa 12,467 ang recovered patients ng lungsod.

Wala naman naiulat na natodas sa lungsod ng Navotas at 117 ang active cases matapos na tatlo ang magpositibo at siyam naman ang gumaling.

Umakyat na sa 10,812 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, kung saan 10,337 na ang gumaling at 358 na ang namatay.

Hindi pa naglalabas ng COVID-19 case update ang lungsod ng Valenzuela habang isinusulat ito. Merly Iral