2 patay sa COVID sa Valenzuela; active cases malapit na sa 300

2 patay sa COVID sa Valenzuela; active cases malapit na sa 300

September 29, 2022 @ 5:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawa ang patay sa COVID-19 sa Valenzuela City habang sumirit sa 296 ang active cases matapos na 83 bagong kaso ang maitala sa isang araw batay sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa CESU, hanggang 11:59 p.m. ng Setyembre 28, sa 296 na active cases ay 233 ang naka-home quarantine, 33 ang nasa isolation facility at 25 ang nakaratay sa ospital.

Umakyat na din sa 969 na ang COVID casualties ng lungsod habang 45,340 ang recovered matapos na may 48 pasyenteng gumaling.

Magugunitang nanawagan na ang mga residente ng lungsod sa lokal na pamahalaan na dalhin nang lahat sa isolation facility ang mga positibo sa COVID-19 dahil hindi naman umano namo-monitor ang mga naka-home quarantine.

Maliban dito ay iilan ang humiling na ibalik sa pagiging mandatory ang pagsusuot ng face mask para sa kaligtasan at kapakanan ng lahat.

Samantala, sa nasabi ring petsa, nagtala ang Navotas City Health Department ng total recoveries-20,968; total active cases- 69; total deaths- 687, at; total cases- 21,724. Merly Iral