2 patay sa pinalipad na motorsiklo

2 patay sa pinalipad na motorsiklo

September 25, 2022 @ 12:27 PM 2 months ago


MINGLANILLA, Cebu – Patay ang isang lalaki at angkas nito matapos nilang paliparin ang sinasakyan motorsiklo hanggang sa bumangga sa SUV nitong Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Janrenan Omambac, 28, driver ng motorsiklo at angkas nitong si Nencris Omambac, 31, kapwa residente ng Sitio Kapayawan, Barangay Colon, Naga City.

Batay sa report ng Minglanilla Police Station, dakong 9:00 PM naganap ang insidente sa national highway sa Barangay Tulay, Minglanilla, Cebu.

Ayon kay Police Lieutenant Crisanto Arreglo, deputy chief of police sa Minglanilla Police Station, mabilis ang patakbo ng motorsiklo Omambac at nag-overtake sa kasunod na SUV, dahilan para bumangga ang mga ito.

Sa lakas ng pagkakabangga nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang dalawa na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, na kapwa lango sa alak ang mga biktima ng mangyari ang insidente.

Nakipagkasundo naman ang pamilya ng mga biktima sa driver ng SUV na magbibigay ng tulong pinansyal at hindi na magsasampa pa ng kaso.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na huwag magmaneho ng kahit na anong uri ng sasakyan para maiwasan ang aksidente. Mary Anne Sapico