2 patay sa tumalon na elk sa irigasyon

2 patay sa tumalon na elk sa irigasyon

December 16, 2022 @ 10:33 AM 1 month ago


TABUK CITY, Kalinga- Patay ang dalawang katao matapos tumalon sa irigasyon ang sinasakyan nilang Double Cab elf kahapon ng umaga, Disyembre 15 sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jayson Kinto, 37-anyos, at Edwin Capuyan habang sugatan sina Cesar Camtugan, driver, Marlon Kis-ing, 35-anyos; Jaymar Badillo, 31-anyos at Daniel Cudal, 57-anyos.

Batay sa report ng Tabuk City Police Station, umaga kahapon ng maganap ang insidente sa Sitio Tuliao Brgy. Calanan, Tabuk City, Kalinga.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa Agbannawag, Tabuk City, Kalinga ang mga biktima at dadalo sana ng Men Fellowship Assembly sa Manag, Conner, Apayao.

Subalit, pagdating sa nasabing lugar bigla na lamang nawalan ng preno ng sasakyan hanggang sa mahulog ito sa irigasyon.

Agad namana dinala sa ospital ang mga biktima para lapatan ng lunas subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga si Kinto sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo.

Habang hinanap pa si Capuyan ng mga awtoridad matapos mapadpad ang bangkay nito sa Sitio Tuliao, Brgy. Calanan, Tabuk City.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang nasabing insidente. Mary Anne Sapico