2 PDLs sa Cabuyao City Jail tigok sa kontaminadong tubig

2 PDLs sa Cabuyao City Jail tigok sa kontaminadong tubig

September 22, 2022 @ 7:26 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Dalawang person deprived of liberty (PDL) ang namatay sa Cabuyao City Jail sa Laguna dahil sa diarrhea, sinabi ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) nitong Huwebes.

Sa kabilang banda, kinumpirma naman ni BJMP spokesman Xavier Solda na kontrolado na ang outbreak.

Lumabas sa datos ng BJMP na 63 PDLs ang nagkasakit dahil sa kontaminadong tubig sa loob ng jail facility.

Dalawampu’t siyam sa mga apektadong PDL ang pinayuhan na magpatuloy sa pagtanggap ng medikal na paggamot.

Binigyan ng lokal na pamahalaan ng Cabuyao ang detention facility ng mineral water at water dispenser para labanan ang outbreak.

Ang mga filter ng tubig ay na-install din sa mga gripo.

Inatasan ni BJMP chief Allan Iral ang serbisyong pangkalusugan at ang warden na bantayang mabuti ang mga PDL at tiyaking hindi na mauulit ang diarrhea outbreaks. RNT