2 person of interests sinisilip ng DOJ sa pagkamatay nina Lapid, Villamor

2 person of interests sinisilip ng DOJ sa pagkamatay nina Lapid, Villamor

October 30, 2022 @ 12:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla nitong Sabado na natukoy ng Department of Justice (DOJ) ang dalawang persons of interests na posibleng masterminds sa pagkamatay ng broadcaster na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor.

Sa press briefing, sinabi ni Remulla na nasa final stages na ang DOJ sa imbestigasyon nito.

“The investigation is almost over. It’s a matter of filing cases and probably being able to identify masterminds in these cases,” pahayag ng Justice chief.

“We are saying masterminds, in the plural. We’re drawing out two persons of interest as masterminds, but we cannot say their names now because we have to determine everything, and we do not want to violate any rights of anybody,” dagdag niya.

“We’re just making sure that we conduct everything in accordance with the law,” aniya pa.

Nitong Biyernes, sinabi ni Remulla na makilala na ang mastermind sa pagpatay kay Lapid.

Inihayag ng Justice Secretary na ang pagkamatay nina Lapid at Villamor ay “intersecting” dahil si Villamor ay isang “alleged co-conspirator in the death of Percy Lapid.”

Batay sa autopsy findings ni forensic pathologist Dr. Raquel Fortun, homicide ang ikinasawi ni Villamor dahil may history ng “asphyxia by plastic bag suffocation.”

Magugunitang pinatay sa pamamaril si Lapid ,host ng online broadcast program at kolumnista para sa tabloid, sa Las Piñas City noong Oktubre 3.

Noong Oktubre 18, iniharap sa media ang confessed gunman na si Joel Escorial kasunod ng kanyang pagsuko.

Kinilala niya ang ilang mga indibidwal na sangkot sa planong pagpatay kay Lapid, kabilang ang dalawang middlemen na kinilalang sina Villamor at Christopher Bacoto. Nakaditine si Villamor sa New Bilibid Prison (NBP), at si Bacoto ay nasa isang jail facility sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Noong Oktubre 20, sinabi ni Remulla na nasawi si Villamor sa loob ng NBP noong Oktubre 18. RNT/SA