2 PH frigates kakabitan ng torpedo defense system

2 PH frigates kakabitan ng torpedo defense system

October 24, 2022 @ 9:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng French industrial group Naval Group na lalagyan nila ang dalawang Philippine Navy frigates ng anti-torpedo defense system.

Sinabi ng Naval Group na ang ikakabit na defense system sa BRP Jose Rizal at BRP Antonio Luna ay base sa Canto at Contralto countermeasures solution.

Ipinaalam Department of National Defense (DND) sa Naval Group noong Disyembre 2021 ang una nitong kontrata sa Pilipinas para sa Philippine Navy.

Nagsagawa naman ang DND officials at ang Naval Group noong Oktubre 17 ng pre-delivery inspection ng Contralto sa France.

Base sa French company, ang Canto ay “based on the dilution/confusion concept to defend high value and mission essential units by generating a high-level acoustic signal over 360-degree, covering the full frequency range of the attacking torpedo.”

Samantala, ang Contralto, “computes the most appropriate evasive maneuver and deployment sequence once a threat is detected.”

Sinabi ng Naval Group na ginagamit ang Canto at Contralto ng French Navy at iba pang foreign navies.

Nauna nang inalok ng French government na ibenta ang submarines sa Pilipinas na kahanay ng kasalukuyang military modernization program ng Manila upang pagbutihin ang defense at security capability. RNT/SA