2 Pinoy galing S. Africa ‘di pa rin mahanap

2 Pinoy galing S. Africa ‘di pa rin mahanap

December 10, 2021 @ 3:09 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Hinahanap pa ng gobyerno ang dalawang Pilipinong galing South Africa, ayon sa Department of Health.

Sa ulat, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa kasalukuyan, dalawa ang nasa quarantine facility na may pending COVID test result; dalawang naka-home quarantine na negatibo na sa COVID; at isang na-discharge na.

Ang dalawa aniya na nawawalang ROFs ay galing sa Mimaropa at Northern Mindanao.

Nakikipag-ugnayan naman na ang DOH sa kani-kanilang local governments upang mapasailalim sa testing at quarantine. RNT/FGDC