2 Pinoy kabilang sa 18 madreng pinalayas sa Nicaragua sa pagkakaugnay sa Simbahang Katoliko

2 Pinoy kabilang sa 18 madreng pinalayas sa Nicaragua sa pagkakaugnay sa Simbahang Katoliko

July 9, 2022 @ 3:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kabilang ang dalawang Pilipino sa 18 Missionaries of Charity nuns na pinalayas sa Nicaragua bilang bahagi ng persekusyon ni Nicaraguan President Daniel Ortega laban sa anumang direkta o hindi direktang relasyon sa Simbahang Katoliko.

Sinabi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na batay sa ulat ng Spanish newspaper na El Confidencial, ang mga madre ay hinuli ng General Directorate of Migration and Immigration at mga pulis mula sa Managua at Granada, kung saan sila nagsisilbi sa mga mahihirap, nitong Hunyo 6.

Bukod sa mga Pilipino, ang mga napatalsik na mga madre ay kinabibilangan ng pitong Indians, dalawang Mexicans, dalawang Guatemalans, dalawang Nicaraguans, isang Espanyol, isang Ecuadorian, at isang Vietnamese.

Ang pagbuwag sa Missionaries of Charity at 100 pang non government organizations (NGOs) sa Nicaragua ay aprubado ng National Assembly noong Hunyo 29.

Ang National Assembly, na legislative body ng Nicaragua, ay kontrolado ng Sandinista National Liberation Front, sa pamumuno ni Ortega.

Tinanggap naman ang mga madre ni Bishop Manuel Eugenio Salazar Mora sa Diocese of Tilarán-Liberia sa Costa Rica.

“It’s an honor for our Diocese of Tilarán-Liberia that the soles of your feet should tread on these lands,” saad sa Facebook post ng pari.

“We pray for the Church in Nicaragua, for its bishops, priests, men and women religious. Sisters, welcome to these lands; our diocese has open doors to receive you. Thank you for your example, dedication, and service to the poorest of the poor,” aniya pa.

Batay sa ulat ng Pro Transparency and Anticorruption Observatory, ang pamumuno ni Ortega at kanyang asawa na si Vice President Rosario Murillo, “initiated an indiscriminate persecution against bishops, priests, seminarians, religious, lay groups, and toward everything that has a direct or indirect relationship with the Catholic Church.”

“The offensive and threatening language of the presidential couple against the Catholic hierarchy became more and more evident and frequent; and the actions of some public institutions against the charitable work of the Church increased,” batay pa sa ulat. RNT/SA