2 Pinoy natagpuang patay sa Dubai

2 Pinoy natagpuang patay sa Dubai

August 1, 2022 @ 5:06 PM 2 weeks ago


DUBAI, United Arab Emirates- Dalawang overseas Filipinos ang natagpuang patay sa lugar nitong Kunyo 27 kung saan isa sa mga biktima ang may injury sa leeg.

Inilahad ni Consul General Marford Angeles, tagapagsalita ng Philippine Embassy, na nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Dubai Police, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.

Hindi agad nagbigay ng detalye hangga’t gumugulong pa ang imestigasyon.

“The Philippine Embassy in Abu Dhabi conveys its deep condolences to the family of two Overseas Filipinos found lifeless in Dubai last week and sends its assurance that we will ensure that justice would be served,” ani Angeles.

“The Philippine Consulate General in Dubai is in coordination with local law enforcement authorities, who are currently conducting an investigation on the matter. As of the moment, UAE authorities are unable to provide details regarding the ongoing investigation,” patuloy niya.

Inihayag din ni Angeles na naipagbigay-alam na sa mga kaanak ng biktima ang pangyayari.

“The Consulate and the OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) Office in Dubai have gotten in touch with the family, reassuring them that the Philippine Government shall provide necessary assistance as they grieve the loss of their loved ones,” pahayag ni Angeles.

Hinahawakan ng Attention to Nationals (ATN) section ng Konsulado ang kaso. Hindi naman pinangalanan ang mga nasawi. RNT/SA