2 Pinoy natagpuang patay sa Paris

2 Pinoy natagpuang patay sa Paris

February 26, 2023 @ 11:28 AM 4 weeks ago


FRANCE – Natagpuan sa loob ng tinitirhang studio apartment sa Boulogne-Billancourt, France ang wala nang buhay na katawan ng dalawang Filipino.

Sa ulat ng Le Parisian newspaper, ilang araw nang walang balita ang mga kamag-anak ng dalawang Pinoy kung kaya’t humingi na sila ng tulong sa pulisya.

Nang galugarin ng mga awtoridad sa tinitirhang apartment ay doon na nila nakumpirmang patay na ang mga biktima.

Sa inisyal na impormasyon, hinihinalang homicide na sinundan ng suicide ang nangyaring krimen bagama’t wala pang opisyal na pahayag kaugnay sa resulta ng isinagawang imbestigasyon. RNT/JGC