2 Pinoy patay sa COVID sa Myanmar

2 Pinoy patay sa COVID sa Myanmar

July 22, 2021 @ 8:50 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kasabay ng lumalalang COVID-19 situation sa Myabmar dahil sa kakulangan ng distribusyon ng bakuna, dalawang Filipino ang nasawi roon, ayon kay Philippine Ambassador to Myanmar Eduardo Kapunan.

Inilarawan ni Kapunan ang COVID-19 situation sa Myanmar bilang “nearing catastrophic proportions.”

Nangangahulugan umano ito na maaaring lumala ang sitwasyon sa bansa tulad nang sa India, base umano sa mga ulat ng local medical experts.

“Ang problema ng Myanmar ngayon walang vaccination nangyayari,” ani Kapunan sa CNN Philippines.

“Another thing is medical services in Myanmar almost collapsing,” dagdag ni Kapunan.

Paliwanag pa ni Kapunan na maraming mga medical personnel ang nakilahok sa covil disobedience dahol sa kudetang isinagawa ng militar ng bansa noon pang Pebrero.

Dahil umano rito, nagkulang ang mga personnel sa mga ospital sa Myanmar na tutugon sa pandemya at iba pang mga sakit.

“In fact, most of those who knock [on] the doors of the hospitals, kung mayroon kang symptoms…pauuwiin ka na lang sa bahay mo,” dagdag pa ni Kapunan.

Sa ngayon, may 10 Pinoy ang kasalukuyang may COVID sa Myanmar, may dalawang nasawi, at tatlo ang nakarekober. RNT


  •  
  •  
  •