2 Pinoy resto pasok sa New York Times’ 2021 Restaurant List

2 Pinoy resto pasok sa New York Times’ 2021 Restaurant List

October 13, 2021 @ 2:57 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nakapasok sa listahan ng New York Times ang dalawang Filipino restaurants para sa 2021 The Restaurants List sa kategoryang “50 most vibrant and delicious restaurants” sa Estados Unidos ngayong taon.

Kabilang dito ay ang Archipelago, isang kainan na matatagpuan sa Seattle.

Tampok ng nasabing kainan ang makabagong pagkaing Pinoy at nai-highlight rin ng nasabing artikulo ang kanilang pandesal, alamang at rib-eye steak.

“Aaron Verzosa and Amber Manuguid do more than send out excellent food,” mababasa sa naturang article na tumutukoy sa may-ari ng restaurant.

“They tell complicated, expansive stories about the Pacific Northwest and the many ways that Filipino immigrants have shaped it, using words, pictures and even some unexpected dance moves behind the pass.”

Kasama rin sa listahan ang Filipino restaurant na matatagpuan sa Chicago, ang ‘Kasama’ ng mag-asawang Genir Kwon at Timothy Flores.

Tampok naman dito ang kanilang lumpia, adobo at longganisa.

“Mr. Flores’s Filipino food, which includes staples like lumpia and adobo, is unpretentious and soul-warming. Try his excellent take on a Chicago-style Italian combo sandwich, made with longaniza.”

Pinagbasehan ng naturang listahan ay ang mga suhestiyon ng iba’t ibang reporter, kritiko at editor ng New York Times. RNT


  •  
  •  
  •